Ang Alamat ng Duryan

Noong unang panahon, si Sultan Makan-ali ay nagpakasal sa isang katulong.  Nagkaroon sila ng anak na babae at tinawag nila itong Duri.  Hindi namana ni Duri ang magandang mukha ng kanyang ina kaya walang manligaw sa kanya.  Ngunit sa kabila ng pangit na mukha ni Duri ay mayroon naman siyang malinis at magandang kalooban.

Naging malungkot ang buhay ni Duri.  Bagamat masagana ang kanyang buhay ay malungkot pa rin siya sapagkat wala siyang kaibigan.  Lahat ng kasing-edad niya ay nangagsipag-asawa na.  At lalo pang nalungkot sapagkat masaya ang mga ito sa piling ng kanilang pamilya.

Sa labis na kalungkutan ay nagkasakit si Duri.  Lahat ng gamot ay sinukuban na ngunit hindi pa rin siya gumagaling.

Isang gabi ay nakarinig siya ng isang napakagandang awit.  Napakalambing nito at labis siyang naakit.  Pinilit niyang bumangon kahit nanghihina ang kanyang katawan at hinanap ang pinagmulan ng awit.  Kinabukasan ay natagpuan na lamang ng kanyang magulang si Duri na wala nang buhay malapit sa tabing dagat.  Ipinalibing siya ng kanyang magulang sa gilid ng kabundukan.

Maraming taon ang lumipas at nakalimutan ng mga tao si Duri.  Isang araw ay napansin nila ang isang puno sa lugar na pinaglibingan kay Duri.  Ang bunga nito ay tulad ng langka ngunit napakasama ng amoy.

Iniwasan ng mga tao ang lugar na iyon sapagkat ang bunga na nababalot ng tinik ay napakasama ng amoy.  Itinulad nila ang bunga kay Duri ang dalagang inilibing sa lugar na iyon.

Learn this Filipino word:

nagbayad ng mahál