Kabanata 25:

Sa Tahanan ng Pilosopo

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo.  Inabutan niya ito ng nagsusulat ng heroglipiko sa wikang Pilipino.  Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda.  Pero napuna nito nang siya ay papanaog na.  Pinigilan si Ibarra, sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon.  Ngunit, ang mga susunod na salinlahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi maihahambing sa panahon ng kanilang mga ninuno.

Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao.  Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan.  Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang Kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan.  Ayon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hindi nangangahulugan ng pagsunod.  Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian.

Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan.  Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan, ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman, ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan.  Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan.  Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.

Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang di pagdaing ng bayan.  Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati–rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan.  Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing.  Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab.  Ang bayan ay maniningil ng pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.

Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik.  Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo.  Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan.  Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat, ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad.  Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan.  Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan.  Inungkahi muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo.  Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.

Learn this Filipino word:

kaín-kainín