Chitchiritchit

Chitchiritchit alibangbang,
Salaguinto, salagubang;
Ang babae sa lansangan,
Kung gumiri'y parang tandang.
Santo Niño sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan;
Kung ayaw kang magpautang,
Uubusin ka ng langgam.

Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata;
Pagdating sa Maynila, ipagpalit ng manika.
Ale, ale, namamayong, pasukubin yaring sanggol;
Pagdating sa Malabon, ipagpalit ng bagoong.

[Repeat]

Learn this Filipino word:

ningas-kugon