Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon

(Ang Pasko Ay Sumapit)

Ang Pasko ay sumapit, tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig, dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo'y isilang, may tatlong Haring nagsidalaw
At ang bawa't isa ay nagsipaghandog ng tanging alay

Bagong Taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan natin ang kasaganaan
Tayo'y mangagsi-awit, habang ang mundo'y tahimik

Ang araw ay sumapit, ng Sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan, ating sundin ang Gintong Aral
At magbuhat ngayon kahit hindi Pasko ay magbigayan

Lyrics by Levi Celerio

Learn this Filipino word:

naglálangís