Artikulo VII: - Page 6 of 6

Ang Kagawarang Tagapagpaganap

(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)

Seksyon 22

Dapat magharap ang Pangulo sa Kongreso sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagbubukas ng bawat regular na sesyon bilang batayan ng panukalang-batas sa pangkalahatang laang-gugulin, ng badyet ng mga gugulin at mga mapagkukunan ng pananalapi, kasama ang mga tinanggap mula sa kasalukuyan at panukalang mga batas sa rebenyu.

Seksyon 23

Dapat magtalumpati ang Pangulo sa Kongreso sa pagbubukas ng regular na sesyon nito.  Maaaring humarap din siya rito kahit sa iba pang pagkakataon.

Learn this Filipino word:

pag-iisáng dibdíb