There was once a lizard. She was a friend of the deer. The lizard said, Friend, take care of my child because I am going to catch fish. While I am away do not dance because you might step on my child. then she left.

Noong araw, may isang punong ligaw na tumutubo sa gubat.  Ito ay napakaganda.  Ang dahon nito ay pinung-pino.  Ang bulaklak nito ay kulay lila na kikislap-kislap tulad ng mga bituin.  Dahil dito, naging mapagmalaki ang punong ligaw.

Isang napakagandang prinsesa ang namumuno raw noon sa isang kaharian sa Lanao.  Mahal siya ng kanyang nasasakupan dahil sa kanyang kabutihan at matalinong pamamahala.

Noong unang panahon ay may mag-asawang naninirahan sa Lamut na nangngangalang Cabigat at Bugan.  Sila ay masasaya dahil marami silang nakukuhang pagkain at mga hayop.  Isang araw lumabas si Cabigat upang mamasyal na karaniwang isinasagawa sa mga kalapit na nayon.  Habang sila’y wala, inilabas ng kanyang asawang si Bugan ang kanyang panghabi upang humabi ng isang tapis.

Inilipad si Persiyus ng kanyang mga sandalyas na may pakpak.  Nainip siya sa kanyang pagbabalik.  Ibig niyang marating agad ang palasyo ni Polidiktis upang maihandog sa hari ang ulo ni Medusa.  Ibig din niyang matiyak kung ligtas sa kapangyarihan ng hari ang kanyang ina.  Ngunit may ibig pang ipagawa sa kanya ang mga diyos.  Binigyan siya ng mga sagabal.  Pinaihip nang malakas ang hangin at ibinuhos ang ulan.

Ang guro at ang kanyang mga estudyante ay naglalakad sa isang bulubunduking lugar.  Malayo pa ang kanilang lalakbayin.  Ang mga estudyante ay nakaramdam na ng gutom.  Wala naman silang nadaraanang puno na may bunga para makapitas sila ng makakain.  Dalawang batis na ang kanilang dinaanan.  Uminom silang lahat sa dalawang batis.  Napawi naman ang kanilang uhaw.  Ang hindi lang nawala ay ang nararamdaman nilang matinding gutom.

May isang binatang nagmana ng sandaang ulo ng baka nang mamatay ang kanyang mga magulang.  Siya’y naging malungkutin kaya ninais niyang mag-asawa.  Siya’y nagpatulong sa kanyang mga kapitbahay sa paghanap ng makakasama habang buhay.

Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan ay sumikat na ang araw.  Maganda na ang panahon.  Namasyal ang mga anak ni Inang Palaka sa tabi ng sapa.  Nakita nila ang isang kalabaw na nanginginain ng sariwang damo.  Sa tingin ng mumunting palaka ay napakalaking palaka ang kalabaw.  Dali-dali silang umuwi at ibinalita ito sa kanilang ina.

Pages