Binukot - Page 2 of 2

ni Joel Bautista Labos

(Ang Interpretasyon)

Koro: Sa loob ng isang silid/ buhay mo’y umiikot//

(Pupunta ang Binukot sa gitna ng koro. Tatakpan siya ng nasa unang linya, makikita lamang ang kanyang mukha.)

Binukot: Dito ako tinatago/ malayo sa matang malilikot.//

Di ko nakakapiling/ ginuntuang init ng araw//

(Luluhod ang unang linya upang makita ang Binukot.)

Koro: (Mbls) Di mo nakakapiling ginintuang init ng araw//

(Seryoso ang anyo)

Koro: Kulay mo’y naiiba/ di sunog/ di kayumangging kaligatan.///

(Malumanay na hahagurin ang kaliwang braso.)

Koro: Talagsahon lamang kung makikita ka/ Binukot/ sa karamihan//

Lumilitaw lamang sa pagtitipong mararangya’t maiinam//

(Luluhod ang dalawang magkabilang grupo. Sa "lumilitaw" ikikilos ng Koro ang kanilang kamay na para bang may nais na palilitawin.)

Solo: Ginapugal ka/ ipinagmamalaki ng iyong mga magulang//

(Iangkop ang kilos sa diwa at emosyon ng pahayag.)

Koro: Tagapagsalaysay ka ng epiko/ sugilanon/ dinihon/ mga sinaunang panitikan///

(Hahagurin ng tingin ng koro ang manonood mula sa kaliwa hanggang sa kanan.)

Mga lalaki: Binukot.../// sumasagisag ng rangya ng pamilya///

(Tatayo lahat ng lalaki.)

Mga lalaki: Mga lalaking nararahuyo sa ganda mo/ dapat lahat maykaya//

Mga palad mo’y malambot/ sakong mo’y maputi/

Tunay na prinsesa ka//

(Lalabas ang mga manliligaw, luluhod, mag-aalay ng handog sa dalaga.)

Mga babae: Isang katotohanan/ reyna ka ng iyong mapapangasawa//

(Palilibutan ng mga lalaki ang Binukot at papangkuin. Mga mata ay nagpapakita ng paghanga.)

Koro: Binukot.../ ngayon mangnilay-nilay ka//

Sa kalagayan mong ito/ ikaw ba’y masaya?//

Angkin mo ngayon ang daigdig/ ikaw ay sinasamba//

Subalit sapat na ba sa iyong/ ikahon ka ng kultura?///

(Pupunta sa pormasyong ito ang koro:

(Kinakausap ang Binukot. Sa "sinasamba," luluhod sila, sa "subalit" marahas na ibabagsak ang kamay.)

Koro: Binukot.../ lumabas ka sa iyong kulungan//

Huwag mong hayaang mundo mo ay talian//

(Parang pinaaalis ang Binukot. Galit ang anyo ng mukha. Sa salitang "talian," pagsasamahin ng bawat miyembro ang kanilang nakatikom na kamao na parang nakagapos.)

Solo: (Mlks) Tumayo ka!

(Pasigaw. Ituturo ang Binukot.)

Koro: Tumayo ka’t ipamalas/ angkin mong lakas//

Ikaw ay babae/ may gahum ding matatawag//

(Tatayo ang koro at tutungo sa pormasyong:

Koro: Itaas mo ang bantayog na ginuho nga mapang-alipin...///

Mapang-aliping tradisyon///

(Itataas ang kanang kamay. Tikom ang kamao.)

Koro: Buuin mo/ pira-pirasong bahagi ng diwan may gal-um//

(Dahan-dahang ibababa ang kamay.)

Koro: Haplusin mo ang pisngi ng araw/ at pawiin ang ilusyon ng kalinangang -agiw// magbigay ka ng puwang sa sariwang usbong!///

(Titingala sa araw at tila hahaplusin ito.)

(Sa "kalinangang nag-agiw" yuyuko ang koro na tila nahihiya, sa "magbigay," biglang itataas ang ulo.)

(Mabilis na etnikong awitin ang maririnig. Nang-eengganyo. Sasayaw ang Binukot, mabilis, hanggang sa katapusan ay malulugmok.)

Koro: Ikaw Binukot// hindi isang aksesorya///

(Lalapitan siya ng koro. Kakausapin.)

Grupo I: Hindi ka isang anitong sinasamba//

(Unti-unting tatayo ang Binukot. Larawan siya ng pag-aatubili. Palinga-linga.)

Koro: Hindi!

(Tuon ang paningin sa Binukot.)

Grupo II: Hindi ka alagang/ bulag at mulala//

(Ituturo ang Binukot.)

Koro: Hindi!/// Hindi ka isang gamit/ kasangkapan/ hindi ka palamuti/ hindi isang laruan!///

(Papalibutan nila ang Binukot. Iaayon ang kilos sa diwa ng pahayag.)

Binukot: Isa akong babae...// Isang tao///

May dugo/ may laman/

isip/ may buhay!///

(Malakas na malakas ang sigaw. May pagmamalaki sa tinig.)

Voice over: Binukot...

Binukot...

Binukot...

(Papalibutan muli ng koro ang Binukot at unti-unting itataas. Spotlight sa dalaga. Larawan ng kaluwalhatian ang Binukot sa huling linya. Unti-unting lalamlam ang ilaw hanggang sa tuluyang magdilim.)

Learn this Filipino word:

hanggáng sa labì ng hukay