Bugtong (Mga Halaman)

Sagot

Bugtong

Kawayan o Labong

Nang bata ay nagsaya,
at naghubo nang dalaga.

Acacia

Sa init sumasaya
Sa lamig ay nalanta

Amor seco

Nang maalaala'y naiwan
Nadala nang malimutan.

Labong at kawayan

Nang maliit ay ulam
Nang lumaki'y kasangkapan

Dahon ng saging

Tabla magkabila
Alulod ang gitna

Camanchile

Putukan ng putukan
hindi magkarinigan

Gugo

Nagsaing si Ingkong
Sumusulak ay wala namang gatong

Learn this Filipino word:

bagong-daigdig