Sinisinta Kita

Kung ang sinta'y ulilahin
Sino pa kayang tatawagin?
Kung hindi si Neneng kong giliw
Naku, kay layo sa piling

Malayo man, malapit din
Pilit ko ring mararating
Huwag lamang masabi mong
Hindi kita ginigiliw

Ginigiliw kitang tunay
Panaginip gabi't araw
Kung di ka natatanaw
Lagi ng nalulumbay

Sinisinta kita, di ka kumikibo
Akala mo yata ako'y nagbibiro
Saksi ko ang langit, sampu ng kanduro
Kung di kita mahal, puputok ang puso

Learn this Filipino word:

bomba