Sapagka't Ikaw Ay Akin

Sapagka't ikaw ay akin... parang tayong dalwa
Ay iisa lang ang damdamin
Pag nalulungkot ikaw, bakit ba ako'y naninimdim
Ang nararamdaman mo'y nararamdaman ko rin, giliw
Kalungkutan o ligaya, sapagka't ikaw ay akin

Parang sinadya ng Dios nang kita'y kapwa isilang
Na ang pagsintang taos ang kanyang ibibigay
Sana ay malaman mo na kapilas ka ng puso ko
At lagi kang iibigin, sapagka't ikaw ay akin

Learn this Filipino word:

hindî nakakákilala ng takot