Maalaala Mo Kaya

[Introduction]

Huwag mong sabihing ikaw ay hamak
Kahit na isang mahirap,
'Pagka't ang tangi kong pangarap
Ganyan ang hinahanap.

Aanhin ko ang kayamanan
Kung ang puso'y salawahan,
Nais ko'y pag-ibig na tunay
At walang kamatayan.

Chorus:

[She]
Maalaala mo kaya Ang sumpa mo sa akin,
Na ang pagibig mo ay
Sadyang di magmamaliw.

[He]
Kung nais mong matanto,
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago.

[She]
Di ka kaya magbago
Sa iyong pagmamahal?

[He]
Hinding-hindi giliw ko
Hanggang sa libingan, ay --

[Duet]
O kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay di na mapaparam.

[He]
Manalig ka, irog ko, sa 'king pagmamahal

[She]
Ang pag-ibig kong ito, iyong-iyo lamang --

[Repeat duet]

Learn this Filipino word:

kamáy sa likód