Lambingan

Ay - kay tamis hirang nang pagsintang tunay
Ang lahat ay buhay lalo't kita'y kapisan
Kung sa iyo'y mawalay palad ko'y libingan
At kung walang lambingan mabuti pang
Mabuti pang pumanaw.

Chorus:
Sa piling mo sinta ko napapawi ang lungkot
Napaparam, nagbabago ang lahat ng himutok
At sa tuwi kong hahagkan ang pisngi mong mabango
Ay tuluyan mapaparam ang hirap ko.

Kung tayo'y magkasayaw, magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay ay maliwanag
Sa suyuang matimyas, nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap nang matamis na lambingan

Learn this Filipino word:

litáw na tao