Ikaw

Pag-ibig, masdan ang ginawa mo
Winasak ang abang puso ko
Tulutan ang samo ko lamang sa iyo
Bihagin ang dalagang ito

Ikaw ang aking panaginip
Ikaw ang tibok ng dibdib
Pusong umiibig dinggi't umaawit
Tinataghoy ay pag-ibig

Ikaw ang ligaya sa buhay
Sa piling mo'y walang kamatayan
Puso ko'y nangumpisal sa Birheng dalanginan
Na ang pangarap ko'y ikaw

Learn this Filipino word:

nagdádaláng-tao