Bulung-Bulungan

Huwag kang manalig sa bulung-bulungan
Na ikaw irog ay pinagtaksilan
Pagka't maraming naiinggit lamang
Sa ating labis na pagmamahalan

Kung ninanais mong mapatunayan
Na ang pag-ibig ko'y tunay
Sa puso ko'y malasin ang pagsintang tunay
Hindi mo lamang batid ang tunay kong damdamin

Giliw, ikaw lamang ang iibigin
Kahit anong dusa ay titiisin
Kung ikaw ang magdudulot
Ay ligaya sa akin

Learn this Filipino word:

pinitpít na luya