Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya

Tula ni

Hermenegildo Flores - Page 3 of 3

Ang pangako nila sa mga anak ko
ay magbigay lamang sa mga kumbento
ng kuwalta'y sa langit naman patutungo
at ligtas sa madlang panganib sa mundo.

Saka sasabihing ang kanilang aral
ay utos ni Kristong dapat na igalang
bago hindi'y gayo't kauna-unahang
lumalabag sila sa Poong Maykapal.

Ang mga anak ko'y turuan nga lamang
ng bala-balaking dapat matutuhan
kahima't maubos ang lahat ng yaman
kikilanlin ko pang darakilang utang.

Dapwa'y sa akin daya at pag-api
ang siyang nakayang pawang iginanti,
kaya hanggang ngayon sa ikabubuti
ng kalagayan ko'y wala pang masabi.

Gayunmay'y ako pa ang siyang masama
kung aking idaing yaring pagkaaba,
sarisaring dusa nama'y nagbabala
sa balang dumamay sa aking pagluha.

Yamang may hustisyang hindi humihibik
kung dili sa balang ayon sa matuwid
sa di natutulog na awa ng langit
ipauubaya yaring pagkaamis.

Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pula
ng ibang potensya sa balat ng lupa
ang kamahalan mo kung mapag-unawang
sa anak ay inang tunay ang dumusta?

Hanggang dito ina't ang bahala'y ikaw
dangal mo'y tanghalin ng sansinukuban
ang pagkakasundo ng lahat mong kawal
ay lumagi nawa sa kapayapaan.

Pagkaraan ng mahigit na tatlungdaang taong pananakop ng mga Kastila ay nagsimula nang makaramdam ng kakaibang ihip ng hangin ang bayang Pilipinas.  Noong taong 1872 ay pinatay sa garote sina Padre Gomez, Burgos at Zamora at nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite.  Ito ang naging simula ng matatawag na panahon ng pagbabago at paghihimagsik sa ating kasaysayan.  Isa sa mga matatapang at magiting na manunulat ng panahong iyon ay si Herminigildo Flores.

Sa tulang Hibik ng Pilipinas (1932) ni Leonardo A. Dianzon, ipinagpatuloy wari ang magkakatanikalang tulang Hibik ng Inang Filipinas sa Inang Espanya ni Hermenegildo Flores, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Filipinas ni Marcelo H. del Pilar, at Katapusang Hibik ng Filipinas ni Andres Bonifacio. Hindi pa tapos ang tula ni Bonifacio, at mahihiwatigan ito sa pambungad na saknong ni Dianzon na may pagwawangis sa Inang Bayan at ibon.

Kung tawagin ako’y Perlas ng dagat ng Silanganan,
ngunit ako’y parang ibong nakapiit sa kulungan;
kung sabihin ay sagana sa lahat ng kailangan
nguni’t salat sa paglayang pangarap ko habang araw;
ang lupain ko’y malawak, sagana sa kayamanan,
nguni’t ako’y suno lamang sa sarili kong tahanan.

Ridgeview Estates NUVALI Each moment as perfect as the first Calamba, Laguna