Kabanata 58:

Ang Sinumpa

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo.  Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal.  Ngunit, hindi sila makapagtamo ng lunas sa kanilang mga inilalakad.  Palibhasa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo.  May sakit ang Kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino.  Ang Alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaing nagsusumamo sa kanya.  Ang Kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.

Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis.  Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo.  Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio.  Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak.  Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabi na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal.  May isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat.  Ang guro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao.  Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka.  Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.  Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang kaanak ng bilanggo.

Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton.  Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng nakangiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang Sibil.  Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol.  Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong.  Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, ang seminaristang si Albano ay naka gapos na mabuti.  Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal.  Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan.

Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali.  Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.  Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga Sibil sumunod sin sila sa utos ng binata.  Ang Alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan.  Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.

Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sisi at tinawag na siyang duwag.  Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay.  Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra.  Naalaala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy.  Ang kasaysayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain.

Learn this Filipino word:

lakí sa lansangan