Kabanata 28:

Sulatan

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista.  Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino.  Nakasaad sa dyaryo na walang makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring Pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batangas at Maynila.

Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista.  Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa Kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas.

Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa Kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng Espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas.  Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang Tagalog.  Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat.

Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz.  Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego.  Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos ng.  Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin.  Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago.  Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda.

Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari Damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang Konsul.

Samantala, Tumanggap din ng liham si Ibarra na dinala ni Andeng.  Anang liham:

Crisostomo:

Ilang araw na ng hindi tayo nagkita.  Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha.  Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako.  May ganyan palang mga tao.  Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo sa akin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.   Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong.

Maria Clara

Habol:

Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan.  Paalam.

Learn this Filipino word:

inabot ng kaliwa't kanan