Oyayi #7

Halika na, Neneng kita'y hahanguin
Isisilid sa duyan, babalutin ng lampin
Huwag ka na lamang maglambing sa akin
Ibibili kita ng manika at singsing.

Ang manika't singsing, galing sa Audencia
Kinababalutan papel de Kastilya
Papel de Kastilya, daho'y tangan-tangan
Bulaklak ay lason, bunga'y kamatayan.

Learn this Filipino word:

iginupò ng sariling bigát