Mga Tauhan

(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)

Simoun
ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
Isagani
ang makatang kasintahan ni Paulita
Basilio
ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales
ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
Tandang Selo
ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Ginoong Pasta
ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben-zayb
ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente
ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra
ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez
ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino
ang amain ni Isagani
Don Custodio
ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene
ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez
ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Makaraig
ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval
ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina
ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez
kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga
isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
Juli
anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
Hermana Bali
naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang
ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds
ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
Imuthis
ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

Learn this Filipino word:

ampáw