Kabanata 28:

Pagkatakot

(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)

Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan.  Ito’y pinatunayan ng mga paskil.

Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik.  Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga.  Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali.  Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na ipinatago nito sa kanya.  Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan.  Dadami ang madarakip at mabibilanggo.  Marami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi.  Nguni’t di niya nakausap si Simoun.  Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan.

Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng Intsik ang sariling tahanan.  Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng sinuman.  Kay Ben Zayb nagtungo ang Intsik.  Nang makita niya na nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang Intsik.  Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit.

Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma raw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa raw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya’t pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas.

May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo.  Anang isa’y sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay magsisipanhik ng bahay upang manahimik.  Anang isa naman, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan.

Kina Kapitan Tiyago.  Una’y ibinilanggo na si Basilio at naghaluhog sa mga kasulatan ng binata.  Nayanig ang kahinahunan ni Kapitan Tiyago.  Saka ngayo’y dumating si Padre Irene at nagbabalita ng kung anu-anong mga nakatatakot.  Nanginig sa takot ang matanda.  Nakadilat ang mata na napakapit sa kura.  Nagpilit bumangon.  Nguni’t di nakaya.  Bumagsak na bumubula ang bibig.  Patay na.  Nasindak ang Kura.  Tumakbo.  Nakahawak sa kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid.

Kinagabihan.  Sa isang binyagan ay may nagsabog ng kuwalta.  Nag-agawan ang mga bata.  Nagkaingay sa may pinto ng simbahan. Isang opisyal ang nagdaan.  Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mga pilibusterilyo.  Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan.  Nagtakbuhan ang mga tao.  Nagsimula na raw ang himagsikan.

Dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla.  Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan.  Di ito nangahuli.  Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa gagamit.

Isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang kawani na yaon ay estudyante.  Isang bingi ang sinino sa Dulumbayan.  Hindi ito sumagot.  Binaril.  Patay!

Learn this Filipino word:

nangabuwál sa dilím
 

Ridgeview Estates NUVALI Each moment as perfect as the first Calamba, Laguna

South Park District: Avida Land's new residential, retail and business district in Alabang