Payapang Daigdig

Ang gabi'y payapa
Lahat ay tahimik
Pati mga tala
Sa bughaw na langit

Kay hinhin ng hangin
Waring umiibig
Sa kapayapaan
Ng buong daigdig

Payapang panahon
Ay diwa ng buhay
Biyaya ng Diyos
Sa sangkatauhan

Lyrics by Felipe de Leon

Learn this Filipino word:

ibangon ang puri