Ibalon

(an epic from Bicol)

Bilingual (Tagalog-English) version

Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni Handiong, ang pinuno ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani.

Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang buhay na walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat sa gutom.

Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata ang kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.

Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa.

Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan. Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng ama't-ina. Siya din ay nalungkot.

Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan.

Baltog was a young man who was strong, kind and very handsome.  He was the son of Handiong, the chieftain of their village.  One day, his father talked to him about their miserable plight in the land of Samar.  They had many enemies who would come every now and then and destroy their crops and kill their animals.  Their people were dying of hunger because of lack of food.  What was left to them was not enough to see them through another harvest season.

Our people are tired of fighting, son, his father said.  They want a peaceful life with no hunger lingering around.  Our animals are getting fewer in number each day.  If this situation continues unabated, we will all die of hunger.

What do you want me to do, father? Baltog asked.  His father looked at him straight in the eyes.  Then he held his shoulders.

Find a place where our people can live peacefully and contentedly.

Baltog’s eyes wandered around.  He saw their people’s miserable houses.  He saw hunger and starvation in every child’s faces.  He saw resignation in very mother and father’s faces.  He too felt sad.

I am too old for the job so I’m putting it on your shoulder.  You are young, strong and brave.  I know you can do it.  For me and for our people.

Learn this Filipino word:

tuláy